Ika-62ng Anibersaryo ng Kasarinlan ng Pandi
Bakuran ng Pamahalaang Bayan
“Bayan ng Pandi, ating ipagmalaki!”
MAKISAYA! KUMAIN! MANOOD!
MAMASYAL at TUMAMBAY SA
Abriil 14-17, 2008 7am-7pm!
___________________________________________________________________
MGA PROGRAMA SA BUONG ISANG LINGGO
Unang araw: Abril 14, 2008
Unang bahagi
4:30 AM: Seremonya ng Ilaw
Matutunghayan ang maikling seremonya ng pagsindi ng sulo ni Inang Pilipina, at pagsalin nito sa mga Kapitan ng baranggay, na syang tumatayong mga tagapagtaguyod, upang ilakbay mula sa Lohiya hanggang sa Munisipyo ng Pandi.
5:00 AM: Simula ng Paglalakbay ng Sulo
Ang mga kapitan ng 22 baranggay ng Pandi ay magtutulong-tulong upang ilakbay ang ilaw na simbolo ng kasarinlan ng Pandi, mula Lohiya hanggang sa bakuran ng Pamahalaang Bayan.
Ikalawang bahagi
Palatuntunan sa Pagbubukas ng Pagdiriwang
Pagbubukas ng tianggian sa bakuran ng munisipyo!! Bukas mula Lunes hanggang Biyernes, 7:00am-7:00pm! Makisaya, kumain, at mamasyal!! Manood ng iba’t ibang libreng palabas araw-araw! Ito po ay upang magkaroon ng pagkakalibangan kayong lahat, mga kababayan, sa buong isang linggong pagdiriwang ng kaarawan ng ating bayan!Hapi Bertdey, Pandi!
Pangalawang araw: Abril 15, 2008
8:00 AM: Patimpalak sa pag-dibuho
Patimpalak sa pagguhit na bukas sa mga kabataan ng Pandi, kung saan ang mapipiling natatanging dibuho ay syang magiging pabalat ng “souvenir program” ng Paripa 2008.
2:00 PM: Palarong Pinoy
Masayang paglalaban-laban ng mga kapitan ng baranggay, empleyado ng munisipyo, at mga kasapi ng iba’t-ibang samahan sa Pandi, upang ipamalas ang mga larong bahagi ng ating kultura
Ikatlong araw: Abril 16, 2008
8:00 AM: Eksibisyon ng larong Sepak Takraw
5:00 PM: Sayawang Pambayan
Lahat imbitado sa sayawan sa munisipyo!
Ika-apat na araw: Abril 17, 2008
Unang bahagi
8:00 AM - MISA
Ikalawang bahagi
Pormal na Palatuntunan sa Pagdiriwang ng Anibersaryo ng Kasarinlan ng Pandi
Kasuotan: Filipiniana
Ikatlong bahagi
3:00 PM - Iba’t-ibang Palabas na Kultural (Panoorin ang samu’t saring mga sayaw na sariling atin, na bibigyang saliw ng ating mga mag-aaral mula sa mga elementaryang pampubliko ng bayan!)
Ikalimang araw: Abril 18, 2008
6:00 PM – “HAPI BERTDEY, PANDI!” , Da (FREE!) Concert
Kilalanin, panoorin, at hangaan ang talento ng mga kabataan ng Pandi,
na ating ipinagmamalaki!Kasama ang ilang piling panauhin!